Saturday, November 21, 2009

KASAL-KASALAN

Kasal-kasalan:

Dalawa sa pamankin ko ngayon ang nagbabalak mag pasakal, este pakasal. Kaya ito about WEDDING ang naisipin kung isulat sa aking blog.

Ano ba ang kasal at iba pang mga kaugaliaan pilipino. Halos lahat tayo ay laging kabahagi pag may kasalan. Ang pilipino, laging late sa wedding ceremony sa simbahan, tulad ko most of the time, sa reception na lang humahabol. Yon naman talaga ang gusto ng pinoy, ang kumain ng libre. Ang sad part lang ng wedding, pag 40's ka na at sinasabi sa yo na "Oh ikaw kelan ka susunod". Imbyena pag ganun mga tanong, pwede kayang isagot mo. "Pakiaalam mo...nag pakasal ka nga magulo naman pamilya mo...mga anak mo di mo mapag-aral ng husto" Mga ganun ba. Pero syempre, dedma lang lagi, smile lang sabay sabi...wala pang nagkakamali eh.

Sa wedding ang daming che-che boreche... Dapat ang damit white, something borrowed, something new. Dapat may wedding cake, dapat mataas ang cake para sosyal, yong sa ilalim lang naman ang totoong cake.
Yong mga babae, ayaw pa sumalo ng bridal bouquet, lagi kung nasa isip, arte naman ng mga ito.



Claire & Anthony Civil Wedding


Ano-ano ba ang wedding IQ natin?

Marami tayong di alam sa wedding, basta sumusunod na lang tayo dahil yon ang tradisyon. Pwes, para naman pag may nag tanong sa inyo ng "bakit" meron kayong isasagot.

Pwede nyo ring gawing quizz ito sa wedding..habang nag-aantay ng pag lamon ang mga bisita nyo.

Bakit ba may Engagement Ring? (tapos pag nagipit - isasanla he he)
a. Bayad sa bride
b. Dahil magandang accesory
c. Para malaman na - ops, no touch - married na!

Ang sagot ay bayad sa bride - kakaiba di ba - pero yon ang nasa history ng wedding during medieval times.



Yong Wedding Dress - started with Queen Anne & Prince albert of saxe. Bakit ang hilig nila sa white gown, bat hindi na lang pink or fuschia, para mas effect. Kasi white daw is a sign of purity. kaloka, hindi nag research. Ang white was not a symbol of purity. Maputi lang sya kaya malinis. White on the other hand symbolized wealth, BLUE was the symbol of purity.

Yong sinasabi kung something OLD a-chu-chu sa taas, represents the link of the bride family & the past. Something NEW represent good furtune & success.Something BORROWED ay para reminders sa bride about friends and family na handang tumulong...pag wala na silang bigas he he.


Yong Bridal Flowers, symbolized fertility and everlasting love....pero bihira ang nagamit ng everlasing flowers...mga igorot lang sa ifugao. Ano kayang itsura kung ang flowers mo sa wedding puro everlasting? kakaiba yon di ba?


Pero ang true meaning ng wedding is when two lovers decided to get married, they would start to plan and make lots of decisions in order to make their wedding day perfect...iba rin ang meaning ng marriage, pero topic ko is wedding so dedma ang marriage.

Marami pa sana kaya lang, mag babalot pa ko ng gift ko...attend kasi ko ng wedding bukas. lol


STREET PAINTING

ICE AGE in IRELAND



MYSTERIOUS CAVES appear in Europe

No comments:

Post a Comment